Friday, August 3, 2012

Inay


Puso ko’y lumuluha
Habang ika’y minamasdan
Aking binabalikbalikan
Di malilimutang nakaraan

Hahanaphanapin ko, Ina
‘Yong mga hele at kanta
Ngayong ikay lilisan na
Hayaan mong alayan ka

Chorus:
Tulog lang, tulog lang
Ng mahimbing, tulog lang
Damhin ang yakap ko Inay
Maging mapanatag ka na
Sa ‘yong pamamahinga

Nais kong pasalamatan ka
Sa bawat sandaling kapiling ka
Bawat ngiti at hapdi
Ikay laging na sa tabi (chorus)

Coda:
Di ko kayang tiisin
Makita kang nagdurusa
Masakit man sa damdamin
Kailangang tanggapin

Chorus 2:
Tulog lang, tulog lang
Ng mahimbing, tulog lang
Damhin ang yakap ko Inay
Minamahal kita, Inay

Originally composed for the late Nanay Lucy Vaguchay.
May she rest in peace.

1 comment: