Wednesday, May 26, 2010

Angat sa ART

Here's the lyrics of the new song I composed for Xavier Center for Culture and the Arts. Thanks to my friend Vicmar Paloma for the lyrics. This is our song for all of you. Enjoy!


Angat sa ‘Art’


I

Pansin mo ba ang ‘yong sarili

Nasa sulok, walang magawa

Sawa sa buhay, di mapakali

Batid na pag-asa, hatid ay ginhawa

O kelan pa maasam


II

Hanggang dito ka nalang ba

Walang pagsulong, kaunlaran

Sariling kwento napagdaanan

Sari-sari, iba-iba,

Pabalik-balik, nakakasuka


III

Gawing makulay ang buhay

Sa art I’m sure angat ka

Magpa-alipin sa malikhaing pag-iisip

Sumayaw ka, umarte ka

Magpinta, at kumanta


Chorus

(Diskartehan mo)

Nasa iyo ang pagbabagong nais

(Umpisahan mo)

Ipakita mo ang talentong angkin

(Galingan mo)

Buong mundo maging malikhain

Angat sa ART, isapuso natin


Bridge

Sana namay manindigan ka

Ang buhay gawing masaya

Maging angat sa karamihan

Kamtin rurok ng tagumpay


To be recited:

Mas angat ang happiness (‘pag may art)

Mas angat ang friendship (‘pag may art)

Mas angat ang success (‘pag may art)

Mas angat ang unity (‘pag may art)

Mas angat ang peace (‘pag may art)

Mas angat ang truth (‘pag may art)

Mas angat ang adventure (‘pag may art)

Mas angat ang excitement (‘pag may art)

(chorus 2x)


Sana ngayon you’ll realize and understand na

Mas makulay ang buhay kapag may art na tunay

No comments:

Post a Comment