Saturday, June 18, 2011

Napag-isip-isip Ko Lang

Ang sarap pala ng "feeling"
na masabi mo ang iyong saloobin
ukol sa kung ano ang nararapat
at kung paano mo gustong
tratuhin ka ng mga taong
nakapaligid sayo.

Masmainam pala na maglakasloob
at hayaan ang sarili na ipakita
sa lahat na dapat kang respetuhin
at pahalagahan.

Napag-isipisip ko rin
na ginagawa ko pala 'to
di lamang para sa sarili
kundi para narin
sa kapakanan ng lahat.

Ang pagsabi natin ng totoo
ang siya na ring magsasalba
sa kung anong relasyon meron
tayo sa taong ating nakagalit
malamang dahil sa mga maling akala,
bintang, at sobrang ispektasyon.

Laging tatandaan na mahalaga
ang bawat isa.
Mahalaga ang pamilya.
Mahalaga ang mga kaibigan.
Pero wag kalilimutan
na mahalaga rin ang sarili
kaya mahalin rin natin
ang mga sarili natin.
Paano naman kasi
magmamahal ang isang
taong di naman mahal ang sarili?

No comments:

Post a Comment