Monday, June 20, 2011

Napag-isip-isip Ko Lang #2

May mga araw sa buhay ko
na sadyang ako'y malungkot.
Di ko lubos maisip kung bakit.
Parang maykulang,
Parang mayroon akong nasasaktan.
Walang sigla,
walang kabuluhan ang buhay.
Di man lang maramdaman ang tamis
ng mga nakamit kong
tagumpay sa buhay
kahit ano mang pilit maging masaya.
Ang alam ko lang
pag-ganito na ang nararamdaman ko
ako'y nakalimot na sa Panginoon ko.

Napag-isip isip ko lang
na mahirap din palang mahalin ang Panginoon.
Parang bang hangin
alam mong nandyan lang
'di mo naman laging nararamdaman.
Mahirap kasi kailangan mong
magtiwala na nandyan lang S'ya.
Mahirap kasi pwede kang makalimot
at maging manhid sa Kanyang mga haplos.
Sana nga lang di pa huli
ng ika'y muling makaalala.
Kasi pag syay naging bagyo na,
wala ka na talagang kawala.

Buti nalang mahal tayo ng Panginoon
may baghari pagkatapos ng unos
Nabibigyan tayo ng pagkakataon
na magbago at magbalikloob sa Kanya
Sana nga lang di magsawa sa atin ang Panginoon
Paano kasi ang hirap kaya sigurong
huminga kung wala na Sya.

1 comment:

  1. It’s hard to forget someone from the past when that person has been the one you ever wanted in your future.
    Love is blind, hard to find, difficult to get, and impossible to forget.
    Trying to forget you is like swimming against the current of the river. The harder I try, the faster I get tired and get swept back to you..
    리니지프리서버

    ReplyDelete