Thursday, October 13, 2011

Napag-isip isip Ko Lang #3


Ilang b'wan narin ang dumaan
mula no'ng akoy napadpad sa islang lulan.
Akoy napabaliktanaw sa 
aking pinagdaanan --
sambit ko sa sarili ko,
"I've never been this happy all my life."

Maligaya ako kasi 
nagagawa ko na ang mga bagay 
na hindi ko nagagawa noon --
magbasa ng nobela,
magsulat ng tula,
magblogging,
jogging,
maglakad sa baybayin,
kumanta ng kumanta,
mag-abang sa paglubog ng araw,
mapag-isa.

Maligaya ako kasi 
nabibigyan ko na ang aking sarili 
ng panahon --
panahon na makapag-isip,
panahon upang tignan ang sarili
at baguhin ang dapat baguhin.

Maligaya ako kasi
nakakapagdasal na ako ng mataimtim
at nararamdaman ko 
na nandyan lang palagi ang Panginoon,
laging sumusubaybay.

Napag-isip isip ko 
na importante pala na maglaan 
ng panahon para sa sarili.
Pinupuno dapat natin
ito ng pagmamahal,
pag-unawa,
at pag-alaga.
Para bagang sasakyan,
pinupuno ng gasolina
upang umandar.
Parang stapler,
nilalagyan ng bala
saka nagagamit.

Ang halaman ay dinidiligan
at inaantay na mamunga
upang makapagbigay ng prutas
na pwedi nating kainin.
Ang isang palabas naman
ay iniensayo muna ng maigi
saka ito naipapalabas sa entablado
upang palakpakan ng mga tao.

Ganyang ganyan din ang ating mga sarili.
Kailangan paglaanan ng 
oras 
at buhusan ng 
pagmamahal
upang makapagbigay at makapagmahal
dahil kung hindi
mapapagod ito,
mapupurol,
at mauubusan ng lakas.


1 comment:

  1. sus sakto ka Jake...i am just amazed also how you are able to frame your thoughts well in Filipino...well rounded gyud ehhehe...beautiful poem...i guess God brought you where you are right now to bring you closer to Him..to where you should be at this time in your life...:-) sooo beautiful...there is no other beauty than finding God in our lives:-)

    ReplyDelete